WE
BELIEVE:
NANANAMPALATAYA
KAMI:
1. … In the good news that Jesus Christ died to pay the penalty of man’s sin and through him, man can obtain
forgiveness of sin and eternal life.
… Sa mabuting balita
na si Jesu-Cristo ay namatay para bayaran ang utang ng sangkatauhan at sa pamamagitan Niya, maaaring maranasan ng tao ang
kapatawaran ng kasalanan at buhay na walang hanggan.
2. …. That a believer can have absolute assurance of his salvation while still alive on earth because God promises
eternal life to all who believe in Christ; and God can never lie.
… Na ang isang mananampalataya
ay maaring magkaroon ng buong katiyakan ng kanyang kaligtasan habang nabubuhay pa sapagkat ipinangako ng Dios ang buhay na
walang hanggan sa lahat nang sasampalataya kay Cristo; at ang Dios ay hindi maaaring magsinungaling.
3. … That every believer must attain spiritual maturity after being saved.
He can do this through prayer, reading of God’s word, obedience to God’s commands, witnessing for Christ,
trusting in God and being constantly filled with the Holy Spirit.
… Na ang bawat mananampalataya
ay dapat magtamo ng paglagong espiritual, pagkatapos maligtas. Magagawa niya
ito sa pamamagitan ng panalangin, pagbabasa ng salita ng Dios, pagsunod sa mga utos ng Dios, pagpapatotoo tungkol kay Kristo,
pagtitiwala sa Dios, at pagpapasakop sa Banal na Espiritu.
4. … That every believer needs to attend church regularly because God ordained the church to be the place were believers
can best grow and serve God.
… Na ang
bawat mananampalataya ay dapat laging sumama sa iglesya sapagkat itinakda ng Dios ang iglesya upang siyang maging pook kung
saan ang mga mananampalataya ay lubos na lalago at makapaglilingkod sa Dios.
5. … In the existence of a personal, omnipotent, merciful, just, righteous God who is the highest authority in heaven
and earth.
… Na mayroong
isang personal, makapangyarihan, mahabagin, makatarungan, matuwid na Dios sa Siyang pinakamataas na kapangyarihan sa langit
at lupa.
6. … in the Bible, composed of 39 books of the Old Testament and 27 books of the New Testament, to be the inerrant
Word of God and the source of truth, wisdom and guidance in life.
… sa Biblia, binubuo
ng 39 na aklat ng Lumang Tipan at 27 na aklat ng Bagong Tipan, na siyang di-nagkakamaling Salita ng Dios at pinagmumulan ng
katotohanan, karunungan at patnubay sa buhay.
7. … In one God who exists in three distinct persons: the Father, the Son and the Holy Spirit.
… na mayroong
iisang Dios na nagpakilala na Siya’y may tatlong persona: ang Ama, ang Anak at ang Banal na Espiritu.
8. … In Jesus Christ, the only begotten Son of God, equal with God, the Lord and Savior of the world.
… kay Jesu-Cristo,
ang bugtong na Anak ng Dios, kapantay ng Dios, Panginoon at tagapagligtas ng sanlibutan.
9. … In the Holy Spirit, the third person of the Trinity, equal with God and Divine Helper of believers in living
a victorious Christian life.
… sa Banal
na Espiritu, ang pangatlong persona ng iisang Dios, kapantay ng Dios, at Dios na katulong ng mga mananampalataya sa pamumuhay
ng isang matagumpay na buhay Kristyano.
10. …
That death is not the end of all things. All men shall rise from the dead bodily
to be judged by God and to be assigned their eternal destiny.
… na ang kamatayan
ay hindi ang katapusan ng lahat. Lahat ng tao ay mabubuhay na muli mula sa mga
patay upang hatulan ng Dios at itakda sa kani-kanilang kaukulang walang hanggang hantungan.
11. …
That all things in heaven and earth, seen and unseen, were created by God for his purpose and glory.
… na ang lahat ng
bagay sa langit at lupa, nakikita man o di-nakikita, ay pawang nilalang ng Dios para sa kanyang layunin at kaluwalhatian.
12. …
In the existence of heaven, the throne room of God and place of rest for all who die in Christ, and the existence of hell,
the place of torment for all who die without Christ.
…
na mayroong langit, ang pook-luklukan ng Dios at pook-kapahingahan ng lahat ng mga namatay kay Cristo, at mayroong impyerno,
ang pook-pagdurusa ng lahat ng mga namatay na wala kay Cristo.
13. …
that God created spirit beings for the purpose of serving God and man. The faithful
ones are called angels. The rebellious ones are now called demons.
… na lumikha
ang Dios ng mga espiritung nilalang para maglingkod sa Dios at sa tao. Ang
mga tapat sa mga ito ay tinatawag na mga anghel. Ang mga suwail sa mga ito ay
tinatawag ngayong mga demonyo.
14. …
That God created man in the image of God, but because of sin, he is presently in a state of total depravity. Man is the highest form of creation and he is composed of spirit, soul and body.
… na nilalang
ng Dios ang tao sa larawan ng Dios, subalit dahil sa kasalanan, siya ay ngayon nasa kalagayan ng buong-buong pagkakasira. Ang tao ay ang pinakamataas na uri ng nilalang at siya ay binubuo ng espiritu,
kaluluwa at katawan.
15. …
That man cannot be made righteous through his own efforts but only through faith in the finished work fo the Lord Jesus on
the cross.
… na ang
pagwawalang-sala ng sangkatauhan ay hindi sa pamamagitan ng kanilang sariling lakas kundi sa pamamagitan lamang ng pananampalataya
sa natapos nang gawain ng Panginoong Jesus sa Krus.
16. … That God intends for every believer, after salvation, to
be transformed to a new life by the Holy Spirit and to be set apart for a life of holiness.
… na layon
ng Dios para sa bawat mananampalataya, pagkatapos maligtas, na siya’y mabago ng Banal na Espiritu tungo sa isang bagong
buhay at ihiwalay para sa isang buhay na may kabanalan.
17. …
That the church of God is the assembly of all true believers who are gathered together in the name of Christ for the purpose
of worshipping God and edifying one another.
… na ang
iglesya ng Dios ay ang samahan ng lahat ng mga tunay na mananampalataya na nagkakatipon-tipon sa pangalan ni Cristo para sa
layong sumamba sa Dios at magpalakas sa isa't isa.
18. …
That the Lord Jesus left to the church two ordinances: baptism to symbolize the believer's salvation in Christ, and communion
to symbolize the believer's unity in Christ.
… na ang
Panginoong Jesus ay nag-iwan sa iglesya ng dalawang tuntunin: ang pagbabautismo
na sagisag ng kaligtasan ng mga mananampalataya kay Cristo at ang komunyon na sagisag ng pagkakaisa ng mga manampalataya kay
Cristo.
19. …
That every believer is commanded by the Lord Jesus to witness and make disciples of all the nations.
… na ang
bawat mananampalataya ay inatasan ng Panginoong Jesus na magpatotoo at gumawa ng mga alagad mula sa lahat ng mga bansa.
20. …
That the Lord Jesus is coming again from the clouds of the sky with power and great glory to be the final Judge and Ruler
of the whole world.
…
na ang Panginoong Jesus ay muling babalik mula sa mga alapaap ng langit na may dalang kapangyarihan at dakilang kaluwalhatian
upang maging panghuling Hukom at Mananakop ng buong sanlibutan.
By Rene Resurreccion, July 26, 1993